Balita

Maine, namutla sa first shoot

- Ni NORA V. CALDERON

PARANG nagsu-shooting ng pelikula ang grupo ng sitcom na Daddy’s Gurl, na produced ng M-Zet Production­s for GMA Network. “Para naman something new,” sabi ni Bossing

Vic Sotto, as Barak Otogon, ang bida ng sitcom. “Hindi iyong lagi na lamang nasa studio. Kaya nang i-conceptual­ize namin ang project, pinagusapa­n na namin ni Direk Chris Martinez na style pelikula na ang gagawin namin, shooting, editing, lighting. Kumuha kami ng location na medyo mas maluwag, para naman tanggal-pagod kahit maghapon kaming mag-taping.”

Totoo naman, dahil kumuha sila ng isang floor ng building na nandoon na lahat ng gagawing eksena, sa condominiu­m unit, sa opisina, at siyempre, air-conditione­d ang place of work nila.

Ayon kay Maine Mendoza, na gumaganap na anak niya sa sitcom, si Visitacion “Stacy” Otogon, siya raw ang nag-isip ng concept na iyon.

“Nakita ko na kasing ready na si Maine to do a sitcom, nakikita ko kasi na may flair siya sa comedy, marunong siya ng timing. At nang i-offer ko sa kanya, sabi ko ang production ko ang involved. Nagustuhan naman niya at tinanggap ang offer ko. Once a week lang kami kung magtaping,” kuwento pa ni Bossing.

“Sa ilang beses na naming pagte-taping, nakita kong Maine is enjoying it. Hindi tulad noong una siyang nag-appear sa Eat Bulaga, na sino ba naman ang hindi mabibigla na nandun na siya. At nang makasama si Alden (Richards), the rest is history na.

“Pero ganyan din siya noong una kaming gumawa ng movie, ang My Bebe Love. Nang una siyang sumalang sa shooting, namutla siya, hindi maipinta ang mukha, pero ngayon sabi ko nga she’s enjoying it. Mas seryoso na siya at comfortabl­e na sa paligid niya.

“Siguro nakatulong din na lagi kaming magtatay sa lahat ng movie na ginawa namin, kahit sa TV, at ngayon dito sa sitcom namin. At sa movie namin na entry sa Metro Manila Film Festival na Jack Em Popoy: The Pulisincre­dibles, mag-tatay din kami.

“Magpipirma­han na kaming laging mag-ama sa lahat ng projects na gagawin namin,” biro pa ni Bossing.

Binati namin si Bossing Vic dahil araw ng taping nila ay first birthday ng baby girl nila ni Pauleen Luna, si Talitha Maria. Pero may trabaho rin si Pauleen na guest co-host ni Helen

Gamboa sa From Helen’s Kitchen, ng Cignal TV, at isinama ni Pauleen si Tali.

“Nalaman ko nga na nagkaroon ng small birthday party si Tali dahil naghanda si Helen. May balloons, cake at food. May dumating ding mga apo namin at si Tito Sen (Senate President

Tito Sotto). Guests nga ni Helen sina Ai Ai delas Alas at Lorna Tolentino. Pero sa Sunday ang celebratio­n namin ng birthday, simple lang, para nandoon ang buong family and closed friends namin.”

Nagpasalam­at si Bossing sa lahat ng mga sumusubayb­ay sa kanilang sitcom, na napapanood every Saturday, pagkatapos ng

Pepito Manaloto sa GMA 7, dahil patuloy ang mataas na rating nito. Nagte-trending pa ito sa Twitter nationwide and worldwide. Special guests nila sa episode sina Martin del

Rosario, Jak Roberto, at Kiko Estrada.

 ??  ??
 ??  ?? Vic at Maine
Vic at Maine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines