Balita

7-anyos, todas sa ligaw na bala

- Nina DANNY J. ESTACIO at LYKA MANALO

SAN PEDRO CITY, Laguna-Nasawi ang isang 7-anyos na lalaki habang isa pang bata ang nasugatan nang mataan sila ng ligaw na bala sa magkahiwal­ay na lugar sa Laguna at sa Batangas, nitong Martes ng hapon.

Ang unang biktima ay nakilalang si Daniel Donguinez, ng Phase 1C, Pacita Complex ng naturang lungsod.

Sa imbestigas­yon ng San Pedro City, Laguna police, nakaupo si Donguinez sa sofa at naglalaro, kasama ang kaibigan, nang makarinig ng isang putok ng baril ang pamilya nito, bandang 4:00 ng hapon.

Nakita na lamang nilang natumba ang biktima dahil sa tama ng bala sa ulo.

Isinugod sa ospital ang bata, ngunit dead on arrival.

Nagsasagaw­a ng masusing imbestigas­yon sa insidente.

Sugatan naman ang isang 6-anyos na babae nang tamaan din ng ligaw na bala sa Batangas, kahapon ng umaga.

Tinamaan sa hita ang biktimang si Lala (hindi tunay na pangalan), habang nakaligtas naman sa pamamaril ang target na si Duroy Predilla.

Sa imbesitgas­yon ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), nag-aabang ng masasakyan­g pampasaher­ong jeep si Predilla nang dumating ang isang motorsiklo, lulan ang dalawang hindi nakilalang suspek sa Purok 5, Barangay Mabini, dakong 6:30 ng umaga

Kaagad umanong nagpaputok ang mga suspek subalit hindi tinamaan si Predilla habang tinamaan naman sa hita ang bata na noo’y naglalakad patungo sana sa eskwelahan.

Isinugod ito sa Lipa City District Hospital.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines