Balita

Hindi binayaran ng pinautang, nagpaputok ng baril

- Mary Ann Santiago

Arestado ang isang negosyante nang magpaputok ng baril sa loob ng isang shopping center dahil umanosapag­kabigongma­kasingil ng utang sa Barangay Greenhills, San Juan, kamakalawa.

Kinilala ni San Juan City Police chief, Police Senior Supt. Dindo Reyes ang suspek na si Alvin Salic Baunto, 33, stall owner, ng 908 Tiffany Mansion, na matatagpua­n sa 21 Eisenhower Street, Bgy. Greenhills.

Sa ulat, inaresto si Baunto matapos na magpaputok ng baril sa loob ng isang mall sa Ortigas Shopping Center, dakong 6:45 ng gabi.

Una rito, pinuntahan umano ni Baunto ang mag-asawang kapwa niya stall owner sa shopping center na sina Muhlach Disumimba, 42; at Analyn, 37, kapwa residente ng 180 Pinaglaban­an Extension, Bgy. Isabelita, San Juan City, at siningil sa utang P200,000 na noon pang 2016.

Nauwi sa pagtatalo ang paniningil nang tumanggi umanong magbayad ang magasawa.

Sa kasagsagan ng pagtatalo, bumunot ng baril si Baunto at ilang beses nagpaputok sa lugar.

Agad na rumesponde ang mga elemento ng San Juan Police Community Precinct (PCP-1), sa pamumuno ni P/Chief Insp. Edgar Escreza, at inaresto ang suspek.

Ayon kay Reyes, biniberipi­ka na nila kung may kaukulang mga dokumento ang baril ng suspek, na kakasuhan ng Alarm and Scandal.

Walang iniulat na nasugatan sa insidente at agad ding naibalik sa normal ang operasyon ng mall.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines