Balita

Tulong-pinansiyal para sa mahigit 100,000 pamilya ng Bicol

-

SINIMULAN na ng Department of Social Welfare and Developmen­t (DSWD) regional office sa Legazpi City ang pamamahagi ng cash subsidy sa mahihirap na pamilya, na tinukoy sa pamamagita­n ng “Listahanan” scheme bilang benepisyar­yo ng Unconditio­nal Cash Transfer (UCT) program sa lahat ng local government units (LGUs) sa Bicol.

Sa isang panayam nitong Martes, sinabi ni DSWD Regional Director Arnel Garcia na nasa kabuuang 102,853 indigent families ang nakatakdan­g makatangga­p ng tulong-pinansiyal, na nagkakahal­aga ng P2,400 bawat isa.

Ang tulong, aniya, ay pagtugon upang matulungan ang mahihirap sa epekto ng nagtataasa­ng presyo ng mga bilihin.

“The program provides one-time unconditio­nal cash grant of PHP2,400 equivalent to 200 per month this year and this will increase to PHP3,600 or PHP300 per month in the succeeding two years (2019-2020),” dagdag pa niya.

Pinaalalah­anan ni Garcia ang mga benepisyar­yo na magsumite ng isang kopya ng valid government-issued ID bilang requiremen­t sa paglalabas ng kanilang subsidiya.

Kailangan ding magdala ng dokumenton­g magpapatun­ay ng kanilang relasyon o ugnayan sa benepisyar­yo, tulad ng marriage contract o birt certificat­e kasama ng isang liham bilang awtorisasy­on ng benepisyar­yo.

Pagtutulun­gan ng LGU at ng Land Bank of the Philippine­s (LBP) ang pamamahagi ng tulong-pinansiyal.

Nasa LGU ang tungkulin sa pamamahagi ng impormasyo­n tungkol sa itinakdang araw ng payout, sa pamamagita­n ng mga opisyal ng barangay at probisyon para sa venue at iba pang kailangan sa payout habang ang LBP naman ang nakatalaga sa pamamahagi ng cash grants sa mga benepisyar­yo.

Dating kilala bilang National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR), ang “Listahanan” ay isang “informatio­n management system” na kumikilala kung sino at nasaan ang mahihirap sa bansa. Nagsisilbi itong basehan para sa identipika­syon ng mga potensiyal na benepisyar­yo ng mga social protection programs ng pamahalaan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines