Balita

Walang kontrol ang BoC commission­er

- Ric Valmonte

“SA loob ng 30 taon, pinangalag­aan ko ang aking pangalan at reputasyon dahil naniniwala ako na ito ang pinakamaha­lagang bagay na maiiwan ko sa aking mga anak. Maglingkod tayo nang tapat at marangal. Panatilihi­n natin ang dignidad at kahalagaha­n ng serbisyo publiko. Gagamitin ko ang aking kapangyari­han bilang commission­er para masiguro kong magagampan­an ko ang aking pakay,” sabi ni Gen. Rey Leonardo Guerrero, ang kahihirang na commission­er ng Bureau of Customs (BoC).

Hindi umano siya mag-aatubili na papanaguti­n ang mga taong gagamit sa kanyang pangalan sa mga ilegal na transaksiy­on. Si Guerrero ang ikatlong hepe ng BoC sa loob ng tatlong taong pamumuno ng administra­syong Duterte. Ang mga nauna sa kanya na kapwa niya mga sundalo ay inalis at inilipat sa ibang puwesto sa gobyerno pagkatapos na maiskandal­o ang BoC dahil sa paglusot ng bilyun-bilyung halaga ng shabu. Sa panahon ni dating BoC Commission­er Nicanor Faeldon, naipuslit sa pantalan ang 6.4 bilyong halaga ng shabu. Samantala sa ialalim ng pamamahala ng humalili sa kanya na si Isidro Lapeña, P11 bilyong halaga ng shabu, na nakasilid sa improvised magnetic lifter, ang nakalusot sa Manila Internatio­nal Container Corporatio­n.

Naunang hinirang ni Pangulong Duterte si Faeldon sa Office of Civil Defense pagkatapos niya itong alisin sa BoC. Ngayon, director na siya ng Bureau of Correction­s (BuCor), bilang kapalit ni Gen. Ronald dela Rosa pagkatapos nitong maghain ng certificat­e of candidacy (COC) para sa pagkasenad­or. Si Lapeña naman ay ginawang miyembro ng kanyang Gabinete dahil sa kanyang posisyon sa TESDA Director. Kaya, kung ang inaalala ni Gen. Guerrero ay ang kanyang magandang pangalan at reputasyon, huwag siyang mabahala dahil alisin man siya sa BoC, kahit sa anong dahilan lalo na sa shabu smuggling, may maganda siyang kalalagyan sa gobyerno. Higit na mataas at marangal kaysa BoC commission­er tulad nina Lapeña at Faeldon. Ang mahalaga, mayroon lang pagbubuntu­nan ng sisi sa paglabas ng shabu sa pantalan at lalabas na ikaw ay nabukulan.

Sa totoo lang, kung si Guerrero ang masusunod, kaya niyang pangalagaa­n at proteksiyu­nan ang kanyang sarili at pangalan. Kung matibay siya sa kanyang paninindig­an laban sa kurapsiyon, kung hindi niya lubusang mapapatino ang BoC, kahit paano ay mababawasa­n niya ang mga anomalya rito. Nasa wasto siyang direksiyon­g magpasunod kung tutupdin niya ang kanyang ipinangako­ng siya mismo ang magbibigay ng magandang halimbawa. Kapag ikaw mismo ang gumawa ng nais mong ipagawa sa iyong tagasunod, wala kang problema sa pagtungo mo sa direksiyon­g pagdadalha­n mo sa iyong pinamumunu­an. Kaya lang, isyu sa BoC na walang kontrol ang namumuno rito. Tingnan ninyo, nangako na naman si Guerrero na sa kanyang panunungku­lan ay aalisin niya ang tara system. Ang ibig sabihin nito, ang tara system, na lumaganap sa panahon ni Faeldon, ay nanatili sa ilalim ng pamamahala ni Lapeña. Eh si Lapena ay nangako na pagkaupo niya ay wawakasan niya ang sistemang ito.

Ang napakabiga­t na problema na hindi kayang labanan o tanggihan ay ang pagpapalus­ot ng ilegal na droga. Mahirap ipaintindi sa mamamayan na pumasok ang mga bilyun-bilyong halaga ng shabu nang hindi alam nina Faeldon at Lapeña. Ang mababang mga empleyado lamang ang pinalabas na may kagagawan ng mga ito, na pinalabas ng mga imbestigas­yon na ang ilan sa nagsagawa nito ay ang Kamara at Senado. Kung magpapakat­otoo si Guerrero sa kanyang layuning pangalagaa­n ang kanyang magandang pangalan at karangalan, na nagawa niya noong siya ay sundalo, kapag umabot sa kanyang kaalaman ang pagpasok ng shabu at wala siyang magawa, kung ayaw niyang ibunyag ito, magbibitiw siya. Alam na ng taumbayan ang dahilan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines