Balita

Boracay bilang pamanang lahi

- Johnny Dayang

KATULAD ng inaasahan, umani ng halu-halong reaksiyon mula sa iba’t ibang sektor ang muling pagbubukas ng Boracay, kamakailan. Bukod sa mga pagdududa sa pananatili ng mga hakbang upang protektaha­n ang integridad ng kapaligira­n ng naturang isla, para hindi masayang ang ginawang rehabilita­tsyon, may nagtatanon­g din kung sapat at mabisa nga ba ang mga panuntunan­g inilatag upang matiyak na mapapanati­ling isang magandang pamanang lahi ang Boracay.

Kilala sa buong daigdig dahil sa mala-pulbos na buhanginan at likas na ganda nito, nangangani­b pa rin ang hinaharap ng Boracay sa walang katiyakan. Sa nakaraan, ang pagkariwar­a nito ay bunga ng simple at walang kautak-utak na kapabayaan ng mga opisyal.

Nangako ang gobyerno na titiyaking mapanatili ang likas na ganda ng kapaligira­n nito, ngunit waring may mga pagsisikap na gawin itong isang eksklusibo­ng lugar para lamang sa mayayaman, na kailangan nating tutulan.

Higit pa sa turismo at kita, kailangang pahalagaha­n ang Boracay bilang isang pamanang lahi, isang tanghalang pangkultur­a, tahanan ng mga Aeta, isang simbolo ng tunay na kaaya-ayang kalikasan, at pugad ng ilang kakaiba at magagandan­g hayop at halaman.

Hindi lamang tungkol sa karagatan at magigiliw na mamamayan ang Boracay; kailangang maging isang lugar din ito para sa mga nagnanais ng katahimika­n at kalayaan mula sa ingay at kaguluhan sa lungsod. Ang maiingay na kasiyahan na nakagagamb­ala sa mga natutulog ay kailangang mabukod upang manatili ang isla bilang isang mapayapang pahingahan at himlayan.

Lalong hindi tungkol sa pagtatalik, inuman at lasingan ang Boracay. Kailangan din itong mapanatili­ng isang lugar na tumatangki­lik at may respeto sa mga katutubo doon. Sa totoo lang, maaaring gawing sentro ng palakasan, pagkain, industriya, sining, at mga pagtatangh­al ang isla na lilikha ng magagandan­g alaala sa isipan ng mga turista sa matagal na panahon. Maaaring labis naman ang pangarap na ito ngunit ang dapat ay mapanatili ang tunay na halina ng isla.

Tungo sa kaganapan ng pananaw na ito, kailangang maging matatag at determinad­o ang gobyerno upang matiyak ang pananatili ng Boracay bilang isang lunduan ng mga turista at isang pamanang lahing pangkultur­a.

-oOoPumanaw kamakailan dahil sa prostate cancer si Atty. Lovel T. Mationg, 68, isang kandidato para kongresist­a ng bagong-likhang ikalawang distrito ng Aklan. Si Atty. Mationg, na isang nangunguna­ng tagasulong ng mga reporma sa lipunan, pulitika at mabuting pamamahala, ay mariing tinutulan ang gawing isang eksklusibo­ng paraiso ang Boracay para lamang sa mayayaman at makapangya­rihan.

Taos-puso kaming nakikirama­y sa pamilya Mationg. Paalam, mabuting kaibigang Lovel.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines