Balita

Michael Douglas, may Hollywood Walk of Fame star na

- Michael

LOS ANGELES (Reuters)

- Kasabay ng pagdiriwan­g ni Michael Douglas

ng kanyang ika-50 taon sa industriya, ginawaran ang aktor ng star sa Hollywood Walk of Fame malapit sa star ng kanyang legendary father na si Kirk Douglas.

Sinamahan si Douglas, nakilala sa kanyang Oscarwinni­ng character na

Gordon Gekko sa Wall Street, ng kanyang 101-anyos na ama—na bumida sa 1960 gladiator movie na Spartacus,

ng asawang aktres na si Catherine Zeta-Jones, at ng kanyang The China Syndrome co-star na si Jane Fonda.

“When I first heard Michael was getting a star I thought, ‘What took so long?’ Especially because he has always been ahead of his time,” pahayag ni Jane sa seremonya.

Lumabas na si Michael sa mahigit 60 pelikula at TV shows, kabilang ang 1970 police series na The Streets of San Francisco, ang psychologi­cal thrillers Fatal Attraction at ang Basic Instinct, at kamakailan ay sa Marvel comic book movie na Ant-man.

Sinabi rin ni Jane, anak ni Henry Fonda, na isang malaking pagsubok ang lumaki sa Hollywood royalty at humanap ng sariling pangalan sa kaparehong industriya.

“Both of our fathers were movie legends,” aniya. “Can you imagine Michael heading out to go to an audition and Spartacus is sitting at the table?”

Bukod sa pagiging aktor, isang film producer din si Michael, na nagwagi ng Oscar para sa kanyang pelikulang One Flew Over the Cuckoo’s Nest noong 1975 at sa pagpo-produce ng maraming independen­t movies.

“I have been lucky enough to be part of classic Hollywood and new Hollywood,” pahayag ng aktor.

Isang karangalan, aniya, na makasama ang mahigit 2,600 katao na kumakatawa­n sa Walk of Fame.

“They are people who passionate­ly cared about what they did and about entertaini­ng people around the world,” sabi ni Michael.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines