Balita

Hepe ng arestadong QC cops, sibak

- Ni ALEXANDRIA DENNISE SAN JUAN

Sinibak sa puwesto ang hepe ng dalawang pulis-Novaliches, na sangkot sa isa pang “sexfor-freedom” case, at tatlo pang opisyal na sangkot sa pag-aresto, ayon sa isang opisyal ng Quezon City Police District (QCPD).

Ipinag-utos ni QCPD directors, Chief Supt. Joselito Esquivel, Jr., ang pagsibak kay Police Insp. Ronaldo Sergio, hepe ng Tactical Motorcycle Riders of Novaliches Police Station (PS-4), kung saan nakatalaga sina PO1 Jayson Portuguez at PO1 Severino Montalban III.

Bukod kay Sergio, sinibak din ang tatlo pang ibang opisyal na sangkot sa pag-aresto sa mga babaeng suspek at ito ay sina PO2 George De Leon, PO1 Benjieson Pablo, at PO1 King Ogalesco.

Ayon kay Esquivel, isinailali­m sila sa restrictiv­e custody kaya pending ang paghahain ng kasong administra­tibo.

Sina Portuguez at Montalban ay itinuro ng biktimang si “Maria” na umano’y mga nang-abuso sa kanya kapalit ng kanyang kalayaan.

Sa ulat, si Maria at lima pang babae ang inaresto ng TMR personnel at Mobile Patrol Unit of PS-4 dahil sa ilegal na pagsusugal sa Plaza Nova noong Nobyembre 3.

Dinala ang mga babae sa Quezon City General Hospital para sa medical examinatio­n, ngunit nanatili si Maria sa police mobile at hiniling na palayain dahil ang kanyang mister ay nakakulong pa dahil din sa naturang kaso.

Nagbigay umano ng kondisyon ang dalawang pulis at ito ay pakikipagt­alik, na naganap sa madilim na bahagi sa labas ng ospital.

Ibinaba ang biktima sa Buenamar Street, Novaliches Proper habang ang kanyang mga kasama ay idiniretso sa presinto.

Dalawang araw matapos ang insidente, humingi ng tulong si Maria sa National Capital Region Police Office-Regional Special Operations Unit, na agad na nakipagtul­ungan kay PS-4 commander Superinten­dent Rossel Cejas.

Naaresto si Portuguez nitong Martes ng umaga habang si Montalban ay kusang sumuko kay Cejas, makalipas ang ilang oras.

Nasa kustodya na ng RSOU ang mga pulis at kakasuhan ng paglabag sa RA 8353 (New Anti-Rape Law).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines