Balita

Pumatay sa misis, biyenan, sumuko

- Ruel Saldico at Niño N. Luces

CAMP OLA, Albay - Sumuko sa pulisya ang isang lalaki na umano’y pumatay ng sariling misis at biyenan sa Bula, Camarines Sur, kamakailan.

Si Joey Cariaga, ng Zone 1, Barangay Sagrada, Bula, ay sumuko sa Daraga police station, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Senior Insp. Mayvell Gonzales, tagapagsal­ita ng Albay Police Provincial Office (PPO), ang suspek ay mister ng biktimang si Noemi Antioquia-Cariaga, 40, at manugang ng isa pang biktimang si Flerencia Soreta-Atioquia, 80.

Ang suspek ay sinamahan ng kanyang abugado nang sumuko sa mga awtoridad.

Sa imbestigas­yon, pinalo ng suspek ng matigas na bagay ang mga biktima na naging dahilan ng kanilang pagkamatay, nitong nakaraang Lunes.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines