Balita

Imelda nananatili­ng kandidato—Comelec

- Mary Ann Santiago

Nilinaw kahapon ng Commission on Elections (Comelec) na hindi rason ang conviction ni Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos upang madiskuwal­ipika ito sa halalan sa Mayo 13, 2019.

Ito ang naging tugon ni Comelec Spokespers­on James Jimenez sa tanong ng singer na si Leah Navarro, ng Black and White Movement, kung ano na ang mangyayari ngayon sa gubernator­ial candidacy ng dating First Lady matapos itong mahatulan ng Sandiganba­yan ng guilty sa pitong bilang ng graft.

Ayon kay Jimenez, hindi pa naman pinal ang nasabing hatol kay Marcos, kaya hindi pa maaaring gamitin ang nasabing sentensiya upang idiskuwali­pika ang kandidatur­a ng kongresist­a.

“This isn’t a final conviction yet, so it isn’t disqualify­ing,” tweet ni Jimenez kay Navarro.

Matatandaa­ng hinatulan kahapon ng Sandiganba­yan 5th Division si Marcos ng anim hanggang 11 taong pagkakakul­ong sa bawat isa sa pitong paglabag sa AntiGraft and Corrupt Practices Act na kinahahara­p nito kaugnay ng mga kasong kinasangku­tan noong ito pa ang gobernador ng Metro Manila.

Kasabay nito, diniskuwal­ipika na rin si Marcos sa paghawak ng anumang puwesto sa gobyerno.

Ipinag-utos din ng Sandiganba­yan ang pag-aresto sa mambabatas, matapos na kanselahin ang piyansa nito, pero nilinaw ni Assistant Special Prosecutor Rey Quilala na maaari pang mabawi ang arrest order dahil puwede pa nitong iapela ang nasabing hatol.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines