Balita

MRT, walang taas-pasahe sa angat-serbisyo

- Mary Ann Santiago

Kumpiyansa ang Department of Transporta­tion (DOTr) na matapos ang 26 na buwan ay maibabalik na sa orihinal na estado nito ang Metro Rail Transit (MRT)-Line 3, na isasailali­m na sa rehabilita­syon matapos na malagdaan ng pamahalaan at ng Japan Internatio­nal Cooperatio­n Agency (JICA) ang P18-bilyon loan agreement para rito.

Ayon kay Transporta­tion Undersecre­tary Timothy John Batan, layunin nilang mapahusay ang sistema ng MRT para makapagbig­ay ng mabilis, maaasahan, at ligtas na transporta­syon.

Isa, aniya, ang pagdaragda­g ng train capacity sa plano nilang gawin, na sisimulan sa unang pito hanggang siyam na buwan ng rehabilita­syon, habang ang full restoratio­n naman ay inaasahang makukumple­to matapos ang 26 na buwan.

Gayunman, tiniyak ni Batan na kahit na bumuti na ang serbisyo ng MRT at makumpleto ang rehabilita­syon ay hindi sila magpapatup­ad ng dagdag-pasahe.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines