Balita

‘Gun running leader’, timbog

- Mary Ann Santiago

Naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki na pinaniniwa­laang lider ng isang gun running syndicate sa Barangay Pinagbuhat­an, Pasig City, kamakalawa.

Kinilala ni Eastern Police District (EPD) director, Police Chief Supt. Bernabe Balba ang naaresto na si Pane Usodan, 53, may-ari ng Jam’s Motorcycle Parts and Accessorie­s, at residente ng Block 42, Lot 2&3 ng Bgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal.

Si Usodan ang sinasabing lider ng Usodan gun running syndicate, na sangkot sa pagbebenta ng loose at hindi lisensiyad­ong mga armas sa Taguig at Pasig.

Sa ulat ng Pasig City Police, na pinamumunu­an ni Police Senior Supt. Rizalito Gapas, inaresto si Usodan ng pinagsanib na puwersa ng Eastern Police District Intelligen­ce Unit at Southern DFU CIDG NCR sa loob ng Jam’s Motorcycle Parts and Accessorie­s, na matatagpua­n sa C6 Road, corner Eusebio Avenue sa Bgy. Pinagbuhat­an, bandang 12:20 ng hapon.

Una rito, nakatangga­p ng tip ang pulisya hinggil sa illegal na aktibidad ng suspek kaya agad na sinalakay ang kanyang shop, sa bisa ng Search Warrant No. 28-2018 na inisyu ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 152 para sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehens­ive Firearms and Ammunition­s Regulation Act.Nakumpiska

sa mga suspek ang isang itim na bag, isang .38 caliber revolver na walang serial number, at limang bala.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines