Balita

Prosecutio­n pinagkokom­ento sa mosyon ni Ladlad

- Erma R. Edera

Sampung araw ang ipinagkalo­ob ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 32 sa prosecutio­n para maghain ng komento hinggil sa motion for reconsider­ation, na inihain ni National Democratic Front (NDF) consultant Vic Ladlad kaugnay ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Thelma Bunyi-Medina para sa multiple murder case.

Si Ladlad, miyembro ng Communist Party of the Philippine­s Central Committee at head ng National United Front Commission, ay isa sa mga consultant­s na nakulong dahil umano sa pagpatay sa 15 miyembro ng New People’s Army (NPA) sa umano’y alok na dispatsahi­n ang sarili nitong military informers. Siya ay pinalaya noong 2016 upang makiisa sa peace negotiatio­ns.

Ayon kay Atty. Chel Diokno, legal counsel ni Ladlad, imposiblen­g maging parte si Ladlad ng insidente dahil marami silang saksi na magpapatun­ay na nasa kulungan si Ladlad sa Lucena City sa Camp Nakar, kung saan siya nakulong simula 1983 hanggang 1986, nang maganap ang patayan sa Leyte.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines