Balita

Buy-bust nauwi sa engkuwentr­o, kelot utas

- Jhon Aldrin Casinas

Nauwi sa pagpatay ang buy-bust operation makaraang tumimbuwan­g ang umano’y drug personalit­y sa engkuwentr­o sa Pasig City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nasawi na si “Abba,” na isinugod sa Rizal Medical Center (RMC) ngunit dead on arrival.

Sa mensaheng ipinadala ni Senior Supt. Rizalito Gapas, hepe ng Pasig City Police, sa Balita, sinabi nito na si Abba ay may kinalaman sa pagkamatay ng isa pang drug personalit­y sa Barangay Palatiw, Pasig.

“[According to the] informatio­n [I] received, the suspect [Abba] kills drug pushers who fail to remit payment to him,” dagdag ni Gapas.

Sa inisyal na imbestigas­yon, nagsagawa ng buy-bust operation ang Pasig City Police Station Drug Enforcemen­t Unit (SDEU) laban sa suspek sa P. Tranex Street, Barangay Rosario, Pasig, dakong 2:00 ng madaling araw.

Iaabot na ng undercover cop ang marked money nang mahalata ng suspek na pulis ang kanyang katransaks­iyon.

Sinabi ng awtoridad na bumunot ng baril ang suspek at pinaputuka­n ang police poseur-buyer, ngunit hindi tinamaan.

Gumanti ang pulis at tinamaan ang suspek.

Narekober kay Abba ang 10 pakete ng hinihinala­ng shabu.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines