Balita

3 lalaki dinakma sa drug ops

- Orly L. Barcala

Kulong ang tatlong lalaki na umano’y tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasakote na sina Angelito Alcantara, 40, ng No. 112 Dr. C. Bausa, Barangay NBBS; John Patrick Estrada, 21, ng No. 37 P. Cadorniga, Bgy. Ben; at Melchor Negapatan, 22, ng Market 3, Bgy. NBBN, Navotas City.

Sila ay pawang nakuhanan ng isang pakete ng umano’y shabu at nabawi ang marked money.

Sa report, nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcemen­t Unit (SDEU) ng Navotas Police sa Bagumbayan South, Navotas City, dakong 6:05 ng gabi.

Target sa operasyon si Alcantara, na umano’y tulak sa lugar, at nagsilbing poseur-buyer ang isa sa mga operatiba ng SDEU.

Nang iabot ang droga, agad na pinosasan si Alcantara kasama sina Estrada at Negapatan.

Pumalag pa umano ang tatlo, ngunit hindi umubra sa mga awtoridad.

Nahaharap ang mga inaresto sa mga kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng Article 11 ng RA 9165 at Article 151 of Revised Penal Code (Resisting Arrest).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines