R340K shabu, naharang
Aabot sa P340,000 halaga ng umano’y shabu ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa operasyon kontra-droga, na ikinadakip ng isang umanong drug pusher, sa Daraga, Albay, kahapon.
Kinilala ng PDEA ang suspek na si Joseph Sahagun, alyas Seph, 33, ng Camarines Sur.
Sa ulat ng PDEA-Albay, ipinatupad ang operasyon sa Barangay Binitayan, Daraga makaraang magpanggap ang isang ahente na bibili ng droga.
Nabawi kay Sahagun ang aabot sa 50 gramo ng umano’y shabu, na nakasilid sa dalawang pakete.
Nakatakdang kasuhan ang suspek ng kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002).