Balita

Prosecutor, nilooban sa Ilocos Sur

- Liezle Basa Iñigo

Tinangay ng hindi pa nakikilala­ng mga miyembro ng "Akyat-Bahay" gang ang gamit at pera ng isang prosecutor sa Catayagan, Sta Lucia, Ilocos Sur, kahapon.

Agad nagpasaklo­lo sa pulis si Atty. Cristopher Habab, 43, ng Barangay Catayagan, Sta Lucia, nang mapansin niyang nawawala ang mahalaga niyang gamit at pera.

Sa police report, nadiskubre ng biktima na pinasok ang kanyang bahay nang mawala ang kanyang cellphone, na nagkakahal­aga ng P800; laptop, P60, 000; dalawang rubber shoes, P8,000; at P1,000 cash.

Patuloy na iniimbesti­gahan ang insidente.

 ??  ?? BUKING Sinalakay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigat­ion (NBI) ang isang bodega, na imbakan ng mga sigarilyo na ginamitan ng umano’y pekeng stamps sa Ormoc City, kahapon. RESTITUTO A. CAYUBIT
BUKING Sinalakay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigat­ion (NBI) ang isang bodega, na imbakan ng mga sigarilyo na ginamitan ng umano’y pekeng stamps sa Ormoc City, kahapon. RESTITUTO A. CAYUBIT

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines