Balita

‘Tulak’ laglag sa entrapment

- Light A. Nolasco

TALUGTOG, Nueva Ecija – Arestado ang umano’y tulak ng ipinagbaba­wal na gamot sa anti-illegal drugs operation sa Talugtog, Nueva Ecija, kamakalawa ng umaga.

Ayon sa Talugtog police station, kinilala ang suspek na si Alvin Legaspi, 30, ng Barangay Baybayabas ng nabanggit na bayan.

Ang operasyon ay isinagawa ng Station Drug Enforcemen­t Unit (SDEU) matapos na makatangga­p ng sumbong hinggil sa umano’y pagbebenta ng ilegal na droga ni Legaspi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines