Balita

1 dedo, 2 kritikal sa aksidente

- Leandro Alborote

CAMP MACABULOS, Tarlac City - Dead on the spot ang isang ginang habang dalawang iba pa ang nasugatan nang mabundol ng van ang sinasakyan nilang tricycle sa highway ng Barangay Maligaya, Tarlac City, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Evelyn Soriano, 55, ng Sitio Estrella, Bgy. San Rafael ng nabanggit na lungsod.

Kritikal naman sina Bernard Barroga, 26, ng San Jacinto, Victoria, Tarlac; at Potenciano Arthur Soriano, Jr., 67, security agency operator, ng Sitio Estrella, San Rafael ng nasabi ring lungsod.

Hawak na ng awtoridad ang driver ng van na si Michael Lester Domingo, 29, negosyante, ng Don Bosco Road, Bgy. Ligtasan ng naturang siyudad.

Patungong timog ang sinasakyan ni Domingo, na sumusunod sa tricycle na minamaneho naman ni Barroga.

Bigla umanong lumiko ang tricycle at nahagip ng van, na nagresulta sa nasabing insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines