Balita

‘Batang kalye’, nakaladkad ng jeep

- Leandro Alborote

TARLAC CITY - Sugatan ang isang batang babae, na namamalimo­s sa lansangan, nang makaladkad ng isang pampasaher­ong jeep na sinampahan nito sa Tarlac City, kamakailan.

Hindi na binanggit ng Tarlac City police ang pagkakakil­anlan ng 6-anyos na babae, na nakaratay sa pagamutan dahil sa mga sugat sa katawan.

Sa imbestigas­yon, sinabi ng pulisya na kabilang ang bata sa grupo ng mga menor de edad na namamalimo­s at tumatambay sa isang tulay sa national highway sa Barangay San Sebastian, Tarlac City.

Bigla umanong sumampa sa jeep ang bata at nadulas umano ang paa nito sa estribo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines