Balita

Ruru at Ken, bibida sa ‘Maynila’ anniv special

-

NGAYONG Nobyembre ay magbibida ang dalawang kapwa mahusay na aktor ng GMA Network na sina Ruru Madrid at Ken Chan sa threepart anniversar­y special ng Maynila, ang “Magkapatid, Magkaribal.” Gagampanan nina Ruru at Ken ang karakter nina Red, ang nakakatand­ang kapatid na nais maramdaman ang atensyon at kalinga ng kanilang ina; at Blue, ang matalino, responsabl­e at maunawaing nakababata­ng kapatid. Hindi mapaghiwal­ay noon sina Red at Blue. Ngunit ang kanilang relasyon ay unti-unting nagkalamat nang masaksihan ni Red ang pagkamatay ng ama dahil sa pagtatangg­ol kay Blue.

Hindi mapatawad ni Red ang kapatid. Nagsimula na siyang gumawa ng krimen sa kanilang komunidad. Mas lumala ang kanilang hidwaan nang maging kasintahan ni Blue si Peachy (Ayra Mariano), ang dating girlfriend ni Red.

Magpatuloy kaya ang inggit na nararamdam­an ni Red kay Blue? Handa bang isakripisy­o ni Blue ang kanyang relasyon kay Peachy upang mapatawad ng kanyang Kuya?

Sa ilalim ng direksyon ni Phil Noble, sundan ang kanilang kwento sa anniversar­y special ng

Maynila simula ngayong Sabado, Nobyembre 10, 9:40 ng umaga sa GMA.

 ??  ?? Ruru
Ruru
 ??  ?? Ken
Ken

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines