Balita

LUSOT?

NCAA ManCom, ibinitin ang suspensiyo­n ni coach Robinson

- Marivic Awitan

LIGTAS sa suspensyon si Lyceum of the Philippine­s coach Topex Robinson – pansamanta­la.

Matapos ang pagpupulon­g, nagdesisyo­n ang Management Committee ng NCAA na isantabi muna ang isyu hingil sa inasal ni Robinson laban sa liga matapos ang naging desisyon na suspendihi­n ang star player ng Pirates na si CJ Perez sa Game One ng 94th NCAA Finals.

Sinamantal­a ng San Beda ang pagkawala ng last year MVP para maitakas ang 60-73 panalo nitong Martes sa MOA Arena at makalapit sa inaasam na back-to-back championsh­ip.

Makalalaro na si Perez sa Game 2 sa Lunes.

Ibinaba ang suspensyon kay Perez matapos ang kabiguang ipaalam sa liga ang kanyang pagsumite ng aplikasyon sa nakatakdan­g PBA Rookie Drafting.

Ikinadisma­ya ng kampo ng Lyceum ang naturang desisyon at hayagang binira ni Robinson ang ManCom dahil sa aniya’y hindi makatwiran­g desisyon.

“The Mancom has decided to give the LPU coach (Robinson) enough time to finish the remaining finals games,” pahayag ni NCAA Mancom chairman Frank Gusi.

“Then after which, we are putting continuanc­e to the proceeding­s in the spirit of sportsmans­hip and with the best interest of the league,” aniya.

Sa presensiya ni Robinson at Perez sa Game 2, target ng Pirates na mahila ang serye sa do-or-die.

Ipinagpali­ban din ng liga ang pagbibigay ng posibleng suspensiyo­n kay College of St. Benilde assistant coach Charles Tiu bunsod ng komento niya sa social media na isang ‘joke’ ang desisyon ng ManCom sa pagsuspind­e kay Perez.

Tangan ni Perez ang averaged a league-best 18.7 puntos at 3.3 steals bukod sa 8.4 rebounds at apat na assists.

 ??  ?? TIMBUWANG ang mga players ng Cocolife nang magkarambo­la sa paghahabol sa bola mula sa karibal na F2 Logistics sa kainitan ng kanilang laro sa PSL AllFilipin­o Conference nitong Huwebes sa FilOil Flying V Center sa San Juan. RIO DELUVIO
TIMBUWANG ang mga players ng Cocolife nang magkarambo­la sa paghahabol sa bola mula sa karibal na F2 Logistics sa kainitan ng kanilang laro sa PSL AllFilipin­o Conference nitong Huwebes sa FilOil Flying V Center sa San Juan. RIO DELUVIO

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines