Balita

Inawtopsiy­a vs Dengvaxia, 100 na

- Beth Camia

Isinailali­m ng Public Atorney’s Office (PAO) sa awtopsiya ang ika-100 bata na pinaniniwa­laang nasawi matapos maturukan ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

Hinukay ang katawan ng batang si Carl Guillier Alfaro base na rin sa kahilingan ng kanyang magulang para maisailali­m siya sa awtopsiya.

Hulyo 19, 2018 nang masawi si Alfaro, na tatlong beses naturukan ng Dengvaxia.

Sa awtopsiya, natuklasan ang pagdurugo sa utak at internal organs ng bata.

May pamamaga rin sa internal organs ni Alfaro, gaya ng sintomas na nakita rin sa mga batang nauna nang isinailali­m ng PAO sa awtopsiya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines