Balita

Muntinlupa: 150 e-trikes, mamamasada na

- Bella Gamotea

Itinurn-over kahapon ng mga kinatawan ng Department of Energy (DoE) ang 150 e-trike units sa pamahalaan­g lungsod ng Muntinlupa, na tinagurian­g E-Jeepney Capital ng Pilipinas at isa sa mga lokal na pamahalaan na nangunguna ng electric vehicle revolution sa bansa.

Kasunod ng turn-over ceremony, nagsagawa ng test drive sa mga e-trike, sa pangunguna ni Mayor Jaime Fresnedi, sa Muntinlupa Sports Complex.

Gagastos lang ng P45 kada unit sa charging para sa tatlong oras nang tuluy-tuloy na biyahe, ang bawat e-trike ay maaaring magsakay ng limang pasahero at sertipikad­ong road-worthy ng Land Transporta­tion Office (LTO).

Ang Barangay Ayala Alabang ang unang tatanggap ng 20 e-trike mula sa pamahalaan­g lungsod.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines