‘Philippine Seas’ at ‘Reel Time’, pinarangalan sa London
MULING kumubra ng karangalan para sa Pilipinas ang GMA Network matapos magwagi ng special documentary award ang Philippine Seas ni Atom Araullo sa prestihiyosong Association for International Broadcasting Awards (AIBs) 2018 sa London nitong Nobyembre 7.
Ang kauna-unahang dokumentaryo ni Atom sa Kapuso Network ang itinanghal na pinakamahusay sa Science, Technology, Nature category. Tinalo nito ang ibang kalahok mula sa Al Jazeera English, CNN, at BBC News Digital.
Samantala, isa pang GMA News and Public Affairs program ang kinilala ng AIBs. “Highly Commended” ang episode ng Reel
Time na “Batang Maestro” sa Domestic Affairs Documentary category.
Naroon sa London upang tanggapin ang award para sa Pilipinas at sa GMA Network
sina Philippine Seas
Program Manager Lee Joseph Castel at
Executive Producer I a n Simbulan,
kasama si Reel
Time Program
Manager Nowell Cuanang. Short-listed naman o finalist sa Daily Journalism category ang “Marawi Liberation: War is Over” ng State of the Nation Address with Jessica Soho ng GMA News TV.