Balita

Fajardo, dehado sa MVP award

- Marivic Awitan

MAITALA kaya ni San Miguel Beer center Junemar Fajardo ang rekord na panglimang Most Valuable Player award?

May pagdududa sa kasalukuya­n bunsod nang kabiguan niyang makalaro ng dalawang beses sa eliminatio­n round ng PBA Governor’s Cup.

Dahil dito, naagaw sa kanya ni NorthPort guard Stanley Pringle ang pangingiba­baw ss statistica­l race para sa Season MVP.

Ang 2015 Rookie of the Year awardee ay may naitalang kabuuang 35.5 statistica­l points, matapos ang elims ng third conference kumpara kay Fajardo na may 33.2 SP’s.

Kinailanga­n ng reigning 4-time MVP na ipahinga ang kanyang stress fracture na naging dahilan ng pagbaba ng SP’s mula sa pamumuno sa naunang dalawang conference­s.

Sa kabila nito, maraming naniniwala na may malaking tsansa pa rin si Fajardo ma makagawa ng kasaysayan bilang unang PBA player na may limang MVP title.

Gayunman, magiging malaking bahagi pa rin ng panalo ni Fajardo kung sakali ay ang magiging resulta ng botohang gagawin ng mga players, ng media at ng PBA.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines