Lucena bishop, magiging susunod na santong Pinoy

Balita - - News - Ni Mary Ann Santiago

Malapit nang madagdagan ang mga Pinoy na kinikilalang santo ng Simbahang Katoliko.

Ito ay matapos na ideklara ni Pope Francis bilang “venerable” si dating Lucena Bishop Alredo Obviar.

“The pope recognized that Obviar, the first bishop of Lucena, lived the Christian virtues in a heroic way,” bahagi ng post ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa website nito.

Bago tuluyang maging santo, kinakailangan pang isailalim sa Beatification at canonization si Obviar.

“The pontiff would have to recognize a miracle attributed to the late bishop’s intercession in order for him to be beatified. A second miracle would be needed for canonization,” anang CBCP.

Ang “cause for sainthood” ni Obviar ay sinimulan ng Diocese of Lucena.

Ang Congregation for the Causes of Saints naman ang nagapruba sa “Nihil Obstat” (nothing hinders) sa diocesan inquiry para sa naging buhay ng obispo noong 2001.

Noong 2007 naman, ipinalabas ang “decree of validity”, na naging simula ng “Roman Phase” nito.

Taong 2014 nang maisumite ang “Positio” at ang rebyu ng Theologians ay natapos noong unang bahagi ng 2017.

Si Obviar ay naordinahang pari noong 1919 at kinilala bilang kaunaunahang Auxiliary Bishop sa Lipa noong 1944.

Siya ang itinuturing na founder ng Missionary Catechists ng St. Therese, isang religious congregation ng mga madre na nagmimisyon sa Pilipinas at iba’t ibang bansa.

Naitalaga si Obviar bilang Obispo ng Lucena noong 1969 at nanilbihan sa lugar hanggang sa tuluyang magretiro noong 1976.

Dalawang taon matapos na magretiro ay binawian ng buhay si Obviar sa edad na 89.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.