Bangka lumubog: Bata patay, 35 nasagip

Balita - - News - Betheena Kae Unite

Isang bata ang naiulat na nasawi habang 35 pasahero ang nasagip makaraang lumubog ang sinasakyan nilang motorized banca sa baybayin ng San Francisco sa Quezon, kahapon.

Ito ang kinumpirma kahapon ni PCG Spokesman, Capt. Armand Balilo.

Patungo, aniya, ang MB Princess Donna sa Sombrero Island at Burias Island sa Masbate nang bigla itong lumubog sa bahagi ng Barangay Pugawan, kahapon ng umaga.

Nagsasagawa ng island hopping ang mga sakay sa bangka nang maganap ang insidente, ayon kay Balilo.

“Around 10:00 in the morning, Coast Guard received the SOS (distress signal). So mga earlier pa siguro nangyari, mahina rin kasi signal sa area,” bahagi ng pahayag ni Balilo.

Aniya, lahat ng pasahero ay nailigtas, maliban sa isang bata na kumpirmadong namatay, at inaalam pa ang pagkakakilanlan nito.

Hindi pa matukoy ng PCG ang sanhi ng insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.