‘Stop and Go’ traffic sa UST

Balita - - News - Mary Ann Santiago

Magpapatupad ng ‘stop and go’ traffic situation sa palibot ng University of Santo Tomas (UST) sa Sampaloc, Maynila ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) ngayong Linggo.

Ito ay sa pamamagitan ng Traffic Enforcement Unit (TEU) nito, para sa ikalawang Linggo ng 2018 Bar examinations.

Sa abiso ng MPD, kabilang sa maaapektuhan ng stop and go traffic ang P. Noval Street, Dapitan Street, AH Lacson Avenue at España Boulevard, na nakapaligid sa UST, na pagdarausan ng pagsusulit.

“Streets around UST will be on Stop and Go traffic situation, during drop-off (5:00 AM to 8:00 AM) and pick-up time (5:00 PM onwards) of Bar examinees,” saad sa traffic advisory ng MPD.

Idineklara rin naman nitong totally no parking zones ang mga naturang nabanggit na kalsada.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.