IPs nagpasaklolo kay Digong vs CPP-NPA

Balita - - News - Argyll Cyrus B. Geducos

Nakikiusap kay Pangulong Duterte ang mga indigenous peoples (IPs) mula sa iba’t ibang tribo sa Mindanao na tulungan sila sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) at kay Jose Maria Sison.

Isa sa apat na resolusyong pormal na natanggap ng Pangulo mula sa IPs nitong linggo, ang humihiling kay Duterte na magkaloob ng legal na tulong sa Mindanao IP Council of Elders para sa paghahain ng nararapat na kaso laban sa mga komunista.

Sa kanilang resolusyon, nabanggit ng IPs ang 17 rason para sa kanilang pagsusulong ng kaso laban sa CPP-NPANDF.

Kabilang sa mga rasong ito ang kaligtasan at panganib na mahuli sa isang bakbakan nang gamiting kampo ng CPPNPA-NDF ang kanilang ancestral domain sa loob ng 40 taon, at ang pagpatay sa mahigit 1,000 lider ng mga katutubo simula noong 1980.

“The most glaring was the Rano Massacre in Davao del Sur and the Murder of Mayor Jose Libayao in the presence of his family, community and foreign donors in the Tribal Municipality of Talaingod, Davao del Norte,” nakasaad sa resolusyon.

Nabanggit din ng IPs ang pakikialam ng CPP-NPA-NDF sa pagtatalaga ng kanilang tradisyunal na lider at pagpapalit ng mga rebolusyunistang pinuno at pangongolekta ng buwis. Ang paninira ng mga ari-arian, partkular ang mga gamit sa konstruksiyon, sa pamamagitan ng pagsusunog.

Bukod pa rito, itinatalaga rin umanong pinuno ng isang Revolutionary Justice System ang kanilang mga IP leaders. At ang ilan sa kanilang komunidad ay ginagamit na kulungan o taguan para sa ibang mga katutubo.

Tinanggal din umano ng CPP-NPANDF ang kanilang karapatan na makaboto sa pagpapapasok ng mga kandidato sa kanilang lugar “if they pay the Permit to Campaign and Permit to Win to the CPPNPA-NDF.”

Samantala, sinabi naman ni Communications Secretary Martin Andanar, na nakasalalay pa rin kay Duterte kung ano ang magiging aksiyon sa isinumiteng resolusyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.