2 sa drug watchlist, huli sa boga

Balita - - News - Bella Gamotea

Sa kulungan ang bagsak ng dalawang lalaki, na kabilang sa drugs watchlist ng Pasay City Police, makaraang maaresto nitong Biyernes ng gabi.

Nakakulong sa detention cell ng pulisya sina Jerwin Morales y Paul, alyas “Daboy”, 24; at Muhammad Malaycan y Caponpon, alyas “Carlo”, 19, kapwa miyembro ng Sputnik Gang, at tagaBarangay 79, Pasay City.

Sa ulat, nadakip ang dalawang suspek sa EDSA Taft Rotonda sa Bgy. 79, Zone 10, sa Pasay dakong 9:00 ng gabi.

Nagpapatrulya ang mga pulis nang mamataan ang dalawa sa kahinahinalang ikinikilos ng mga ito sa nasabing lugar, kaya sila sinita.

Nasamsam kina Morales at Malaycan ang isang .22 caliber Smith and Wesson na walang serial number at may tatlong bala, at isang improvised gun na may isang bala ng .44 caliber.

Kakasuhan ng illegal possession of firearms ang mga suspek sa Pasay Prosecutor’s Office.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.