Magkaibigan niratrat, 1 patay

Balita - - News - Orly L. Barcala

Patay ang isang binata matapos ratratin ng dalawang armadong lalaki, habang sugatan naman ang kanyang kaibigan sa Navotas City, hatinggabi kahapon.

Dead on the spot si Ricardo Domingo, 52, ng Bagong Kalsada, Barangay Tangos, Navotas, matapos magtamo ng mga tama ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ginagamot naman sa ospital ang kaibigan ni Domingo na si Mark Angelo Beside, 19, ng Bgy. Tangos, dahil sa tama ng bala sa kaliwang kamay.

Kuwento ng saksi, bandang 12:45 ng hatinggabi nang narinig niyang nagtatalo sina Domingo at Beside sa kanto ng JB Santos Street sa Bgy. Tangos.

Sa kainitan ng diskusyon, biglang sumulpot ang dalawang lalaking suspek at pinagbabaril ang dalawa saka tumakas.

Narekober sa crime scene ang walong cartridge ng bala, at dalawang deformed slugs.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo sa pamamaril.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.