Law office nilooban

Balita - - News - Orly L. Barcala

Pinasok at pinagnakawan ng hindi pa nakikilalang suspek ang opisina ng isang abogada sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Pasado 4:00 ng umaga nang nadiskubre ng isa sa mga kawani ng law office na pinangangasiwaan ni Atty. Marissa Candide Pangan, na pinasok ng magnanakaw ang kanilang opisina sa Barangay Maysan, ng nasabing lungsod.

Dumaan daw ang magnanakaw sa bintana at sinira ito, saka tinangay ang isang tablet computer na nagkakahalaga ng P22,000.

Wala namang naiwan pera sa law firm, habang hindi naman tinangay ang appliances sa opisina.

Hinalang nilooban ang opisina sa pagitan ng 1:00-2:00 ng umaga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.