3 agri equipment, sinunog sa Isabela

Balita - - News - Liezle Basa Iñigo

Sinunog ng umano’y mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang mga heavy equipment ng isang fuel company sa Purok 1, Barangay Babaran, Echague, Isabela, nitong Biyernes ng gabi.

Ipinahayag ni Echague Police chief, Chief Insp. Andry Orilla, na kabilang sa mga nasunog ang dalawang agricultural tractor at isang trailer truck, na pag-aari ng kumpanyang Eco Fuel, sa nabanggit na bayan.

Ayon kay Orilla, nagpapahinga na si Jomar Aznan, 36, tractor operator, ng Babaran, Echague, sa kanilang opisina nang makita nito ang apat na armadong lalaking naka-camouflage at patungo sa kanilang lugar, dakong 6:30 ng gabi.

Dahil sa takot, kaagad itong umalis sa lugar at nabalitaan na lang nito ang insidente matapos ang kalahating oras.

Iniutos na ni Isabela Police Provincial Office director, Senior Supt. Mariano Rodriguez, na imbestigahan ang insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.