Lamig sa Northern Luzon, alinsangan sa Mindanao

Balita - - News - Ellalyn De Vera-Ruiz

Makararanas ng bahagyang paglamig ng panahon sa dulong bahagi ng Northern Luzon, bunsod ng umiiral na northeasterly surface wind flow.

Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), magdudulot din ito ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mahinang pag-ulan sa Batanes at Babuyan Group of Islands.

Ang easterlies o hanging nagmumula naman sa Pacific Ocean ay magdudulot ng maalinsangang panahon sa silangan ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao, ayon kay Loriedin Dela Cruz, PAGASA weather specialist. Ang nasabing hangin ay magdadala rin ng maulap na kalangitan at kalatkalat na pag-ulan at pagbaha sa Biliran, Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, Samar, Southern Leyte, Bohol, Cebu, Negros Oriental, Siquijor, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Dinagat Islands.

Nagbabala rin ang ahensiya sa posibleng landslide at flashflood sa mababang lugar sa Eastern at Central Visayas, at Caraga Region, dahil na rin sa mararanasang malakas na pagulan sa mga nabanggit na rehiyon sa susunod na mga araw.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.