Christian, insecurities ang secret sa mahusay na acting

Balita - - Showbiz Atbp. - Christian Reggee Bonoan

ALIW na aliw kami sa mediacon ng bagong pelikula nina Christian Bables at Cora Waddell, ang Recipe for Love, dahil isa sa naging topic ay ang malaking ilong ng aktor, na sinasabing sumobra raw ang pagkakaretoke.

Bagamat ilang beses nang itinanggi ni Christian na nagparetoke siya, hindi pa rin nawawala ang tsikang retokado siya, at nagmukha na nga raw siyang si Pinocchio sa sobrang tangos ng ilong niya.

“Sanay na akong natatawag, kasi nu’ng bata ako [ang tawag sa akin] Pinocchio, Ilong Ranger, Neozep. Nakukuha ko na ‘yan simula prep kaya sanay na ako. Siguro kasi hindi sanay ang mga Pinoy [sa sobrang tangos ng ilong].”

Birong tanong namin, may plano ba siyang pabawasan ang tangos ng ilong niya? Natawa si Christian. “Wala akong planong baguhin ang sarili ko sa gusto ng tao.”

Paliwanag ni Christian, kaya ganu’n katangos ang ilong niya ay may dugong Spanish ang mama niya, dahil ang lolo niya ay purong Spanish at ang tatay naman niya ay Indian. Oo nga naman, lahat ng lahing binanggit ng aktor ay matatangos ang ilong, kaya imposibleng hindi niya manahin ito.

“Kahit ipakita ko ‘yung picture noong bata ako. Grabe, I cannot believe I’m defending my looks, ‘di ba? Kumbaga, kahit naman ipakita ‘yung pictures ko noong bata ako, ganito pa rin siya. Nag-mature lang ang hitsura ko pero ganito pa rin siya, eh.”

Nabanggit din ni Christian na kapag nasa ibang bansa siya ay pareho niya ang tangos ng ilong ng mga nakakasalamuha niya, kaya dedma siya sa mga nagsasabing nagparetoke siya.

Isa pang klinaro ni Christian ay ang tsikang daig pa niya ang mga babae sa paglalagay ng makapal na foundation (make-up) para takpan ang pimple marks niya sa mukha.

“Maybe before but now, hindi na, kasi okay na siya. It’s my way before to gain confidence, kasi para takpan ang pimple marks ko. Ngayon it’s getting better hindi ko na masyadong nilalagyan.

“Hindi naman siguro kabawasan ng pagkatao o pagkalalaki ko na maglagay ako [ng foundation], kasi kayo, hindi ninyo alam ang pakiramdam kasi hindi kayo nagkaroon no’n.

“Before kasi dumaan ako sa stage na nagkaroon ako ng maraming pimples. Ngayon nasa showbiz, gusto kong i-conceal kahit paano para maging kaaya-aya naman ang itsura ko. Hindi ko ‘yon ginagawa dahil ako, kundi protection ko ‘yun sa feelings ko. It’s a deeper reason kung bakit ko ginagawa, may mga insecurities kasi ako.

“And ngayon okay na, sa tulong nina Doc

Ana and Erik

Yalung of Regenestem Asia. Marami akong struggles before. Insecurities ko ‘yan na ginagamit ko sa acting hanggang ngayon,” mahabang paliwanag ni Christian. “Natutunan ko sa showbiz na if you have insecurities, own it. You just have to be happy,” dagdag pa ni Christian.

At ang ganda ng kapalit ng mga sinasabing insecurities ngayon ni Christian, dahil maganda ang career niya at sunud-sunod ang pelikula niya. Sa apat na taong kontrata niya sa Regal Entertainment ay nakaapat na pelikula na kaagad siya in just two years.

“I Love You to Death, Die Beautiful, Signal Rock at itong Recipe for Love,” sabi ni Christian.

At sa tatlong pelikulang naipalabas na ay tumanggap na siya ng apat na acting awards para sa Die Beautiful at Signal Rock—na entry pa ng Pilipinas para sa Oscars, at malalaman ang resulta sa Enero, ayon kay Christian.

“Oo nga, nasabi ko before na pasok na sa Oscars, entry palang pala at pagpipilian pa. Nagulo utak ko no’n, sorry,” natawang paglilinaw ng aktor. Mapapanood na ang Recipe for Love sa Nobyembre 21 nationwide, sa direksiyon ni Jose Javier Reyes, produced ng Regal Entertainment. Kasama rin sa pelikula sina

Sophie Albert at

Enrico Cuenca.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.