NU jins, double champ sa UAAP

Balita - - Sports - Ni MARIVIC AWITAN

MULING nagtala ng twin championship ang season host National University matapos angkinin ang women at men’s division crown ng katatapos na UAAP Season 81 taekwondo tournament nitong Biyernes sa Blue Eagle Gym.

Naipanalo lahat ng Lady Bulldogs ang anim nilang laban para makamit ang ikatlong sunod nilang titulo.

Sa men's division, bumawi naman mula sa kanilang kabiguan noong opening sa kamay ng Ateneo at winalis ang sumunod na lima nilang laban na tinampukan ng 4-3 pag-ungos sa La Salle upang maiposte ang back-to-back title.

Napanatili ng Lady Bulldogs ang pagkakaluklok nila sa trono sa pangunguba ni season MVP Angie Dayag at Rookie of the Year Veronica Garces, na nagsipagwagi ng gold medals sa welterweight at finweight divisions ayon sa pagkakasunod.

Nagwagi din si middle/ heavyweight Aideleen Flores ng gold.

"Pinag double time kami ni sir Jeff (Figueroa) sa training, talagang ibinuhos po namin yung training sa isang taon," ani Dayag.

"Kahit anong po mangyari idedefend po namin yung title kasi ang gusto kasi ni sir Jeff, once na mag-step kami sa rubber mat, kailangang may bago kaming maipakita kasi kami ang champion, ang defending champion. Yung three-peat, sobrang hirap. Kumbaga mahirap nang kunin ang three-peat sa UAAP ulit. Pero ginawa po namin yung best, nagtiwala kami kay coach, siyempre yung teamwork hindi nawawala diyan. Yung tiwala sa isa't isa sa team."

Huling tinalo ng NU ang University of Santo Tomas ,5-2 ,upang makumpleto ang sweep.

Tumapos naman ang 5-2, Tigresses na pangalawa, taglay ang 5-1 kartada.

Hindi nawalan ng loob sa natamong 3-4 na kabiguan sa Blue Eagles ang Bulldogs sa panimula ng kanilang title-retention drive.

"Noong natalo po kami, nag-iyakan po kami. Pero yun ang naging wake up call namin kaya bumawi kami sa mga ibang kalaban namin. Ibinuhos namin para mag-back-to-back kami," wika ni finweight gold medalist Kurt Barbosa, na siyang tinanghal na Season MVP.

Nagtapos kapwa na may 5-1 marka ang NU at UST, ngunit bumaba ang Tigers sa ikalawang puwesto dahil natalo sila ng Bulldogs sa nauna nilang duwelo.

Isa pang gold medalist sa hanay ng NU si Raymond Caño sa welterweight division.

Nahirang namang Rookie of the Year sa women's division si La Salle jin Akila Gabrielle Boloto, na gold medal winner sa lightweight at

Harley Santos ng Ateneo na nagwagi sa men's flyweight category.

Ang iba pang gold medalists sa men's division ay sina Ateneo jins Aaron Agojo (bantamweight) at Paul Cham (featherweight), UST jin Juan Miguel Ramos (lightweight), at La Salle jin Alvaro Aranton (middle/ heavyweight).

Ang iba namang nag-uwi ng gold medal sa kababaihan ay sina Pauline Lopez ng Ateneo(featherweight), Lovely Jean Avanceña (finweight), University of the Philippines jin Beatrice Gaerlan (bantamweight).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.