Tactical, Survival and Arms Expo

Balita - - Sports -

IKINALUGOD ni ARMSCOR President and CEO Martin Tuason ang masiglang pagtanggap ng sambayanan sa isinulong na first Tactical and Survival (TACS) Expo nitong Biyernes sa SM Aura sa Taguig City.

Tangan ang mensahe na “Defense, Security, and Survival Show for Sustainable Living,” layunin ng Expo na mailahad ang mga suliraning kinakaharap ng bansa mula sa banta ng anumang uri ng terorismo at karahasan.

“It is high time that a unique show such as this will be held in the country. TACS Expo, which focuses on involvement of various manufacturers and their representatives, will be an avenue to reach out to everyone and create awareness on how to prepare to emergency and life threatening situations. And of course…Admission to the expo is FREE with online or on-site registration,” pahayag ni Mr. Severo “Conkoy” Tuason, ARMSCOR’s Chairman of the Board.

Makikita sa EXPO ang iba’t ibang uri ng mga armas, bala at security tools.

Matatapos ang Expo show bukas sa SMX Convention Center.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.