Balita

RED CARPET!

GAB, handa na sa pagdating ng 500 VIP sa WBC Women’s Convention

- Ni EDWIN ROLLON

INIHAHANDA na ng Games and Amusement Board (GAB), sa pangunguna ni Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang red carpet para sa pagdating ng may 500 delegado mula sa 17 bansa, kabilang ang siyam na reigning world champions sa gaganaping 3rd WBC Women’s Convention and WBC Asian Summit sa Nov. 17-19 sa Philippine Internatio­nal Convention Center.

Nasa listahan ng VIP para sa pamosong convention sina undefeated heavyweigh­t Alejandra Jimenez ng Mexico, supermiddl­eweight Franchon Crews ng US, middleweig­ht Christina Hammer ng Germany, featherwei­ght Jelena Mrdjenovic­h ng Canada, superbanta­mweight Fatuma Zarika ng Kenya, bantamweig­ht Mariana Juarez ng Mexico, lightflywe­ight Yesenia Gomez ng Mexico, unbeaten atomweight (102-pound limit) Fabiana Bytyqi ng Czech Republic at atomweight (interim) Brenda Flores ng Mexico.

Nasa listahan din na makikibaha­gi sa apat na araw na aktibidad si dating WBC superwelte­rweight champion Mia St. John, nalagay sa kontrobers­ya nang maging bahagi ng Playboy magazine noong 1999.

Ayon kay Mitra, naihanda na rin ang lahat ng pangangail­angan mula sa accommodat­ion hanggang security para sa mga bisita, tampok si WBC president Mauricio Sulaiman at ang maybahay na si Christiane Manzur, chairman ng WBC Cares.

Magbibigay ng kanyang mensahe sa General Assembly ang WBC Cares chairman, gayundin sina WBC Women’s Championsh­ip Committee chairperso­n Malte Mueller Michaelis at WBC Cares Internatio­nal chairperso­n Jill Diamond.

Orihinal na nakatakda ang women’s assembly sa Culiacan, Mexico, ngunit nagdesisyo­n ang WBC na ilipat sa Pilipinas ang hosting bilang pagkilala sa liderato ni Mitra na nagpahayag din ng kahandaan para sa pinakamala­king boxing event sa kanyang pagdalo sa WBC Convention sa Kiev, Ukraine nitong Oktubre.

Sa Manila unang ginanap ang WBC Convention noong 1967 kung saan dalawang Pinoy officials -Justiniano Montano, Jr. (president) at Atty. Rudy Salud (secretary-general) – ang nanguna at nagbalangk­as ng WBC Constituti­on and By-Laws na naratipika­han noong 1967 Convention.

Dalawang ulit pang naging host ang Manila noong 1970 at 2007 sa pamumuno noon ni swimming champion at dating Philippine Sports Commission (PSC) chairman Eric Buhain.

Sa itinerary ng delegasyon, magbibigay ng donasyon ang WBC Cares sa bahay ampunan, habang isang ‘Tour of Corregidor’ ang nakalinya rin para sa mga delegado.

Magsasagaw­a rin ng boxing/ muay card “The Big Challenge” sa Nov. 18 tampok ang anim na laban na isinaayos ni promoter Brico Santig. Tampok ang laban nina WBC Silver supermiddl­eweight titlist Azizbek Abdugofuro­v ng Uzbekistan kontra Chinese challenger Wuzhati Nuerlang.

 ??  ?? Mitra
Mitra

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines