Bolts, asam mapanatili ang init sa Govs Cup

(Ynares Sports Center-Antipolo) 6:30 pm Meralco vs. Alaska

Balita - - Sports - RIO DELUVIO Marivic Awitan

GALING sa ikaanim na sunod na

do-or-die game win sa season ending

conference, tatangkain ng Meralco

na muling sumalta ng finals ng PBA

Governors Cup sa ikatlong sunod na taon

sa pakikipagduwelo nito sa Alaska sa

simula ng kanilang best-of-5 series. Ganap na 6:30 ng gabi ang simula ng tapatan ng dalawang koponan sa Ynares Sports Center sa Antipolo City kung saan pormal na nagbukas kagabi ang semifinal round sa pamamagitan ng isa na namang edisyon ng Manila Classico sa tapatang Magnolia-Ginebra.

Dalawang beses tinalo ng 7th seed Bolts ang nakatunggaling second seed Phoenix Fuel Masters upang maitakda ang sagupaan nila ng third seed Aces na nanaig naman sa 6th seed San Miguel sa quarterfinals.

Tanging pangamba ni coach Norman Black ay mayroon lamang silang halos dalawang araw para paghandaan ang Aces matapos manalo sa Fuel Masters nitong Huwebes. “The problem is we’re playing Alaska in two days. But I’m sure the guys we’ll continue what they’re doing now. I’m sure we’ll be ready on Sunday,” ani Black. “My guys have been very determined and very stubborn in terms of what they want to accomplish.” “And I’m sure they’ll continue to do that. It’s difficult not to,” dagdag pa nito. Sa kabilang dako, inspirado naman matapos makatawid sa itinuturing nilang malaking hamon kontra Beermen, inaasahang ibubuhos din lahat ang tropa ni coach Alex Compton upang muling makasalta ng Finals.

UNAHAN sa puwesto para sa rebounds sina Doug Kramer (kaliwa) at Allan Durham ng Meralco Bolts sa isang tagpo ng kanilang laro sa PBA Commissioners Cup nitong Biyernes sa MOA Arena.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.