Tony Labrusca, Man of the Hour

Balita - - Pangunahing pahina - Ni REMY UMEREZ

MAN of the Hour ngayon si Tony Labrusca, ang tinaguriang kilabot ng mga cougar matapos na mag-viral ang sizzling scenes nila ni Angel Aquino sa trailer ng digital film nilang Glorious—at bukambibig siya ng lahat ngayon.

In 24 hours, umabot agad sa six million ang views ng trailer ng

Glorious, na may mahigit 13 million views na as of this writing. Pre-sold na ang Glorious mula sa Dreamscape Digital, na eksklusibong mapapanood sa iWant.

Pero bago naging online sensation, si Tony ay isang baguhang aktor, na seryosong sumubok sa paggawa ng pelikula ngayong taon. Anak siya ng actor-TV host na si Boom Labrusca, at ang kanyang ina ay si Angel

Jones, dating miyembro ng bandang Kulay.

Isinilang si Tony sa Houston, Texas, pero lumaki siya sa Vancouver,

Canada, at nakalakihan na niya ang stepdad niyang si Boom Dayupay, na nagtatag ng Kulay

band.

Bumalik sa Pilipinas si Tony to find his luck in showbiz. Sumali siya sa search for a boyband pero kaagad siyang na-eliminate. Pinalad naman siyang lumabas sa isang ad ng fast food restaurant.

Sa telebisyon, napanood siya sa La Luna Sangre bilang Jake, third wheeler kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Hinirang din siya bilang Best New Male TV Personality sa Star Awards.

Ngayong 2018, napanood si Tony sa pelikulang ML with Eddie Garcia, at sa Double Twisting, Double Back, at pawang magaganda ang reviews sa acting niya.

Ikatlong pelikula niya ang digital movie na Glorious, na usapusapan ang trailer hindi lang dahil sa kontrobersiyal na kuwento nito tungkol sa pagmamahalan ng isang 50-anyos na babae at isang 23-anyos na lalaki, kundi dahil sa matitinding love scenes nila ni Angel, sa direksiyon ni Connie Macatuno. Showing na ang

Glorious sa iWant sa November 17.

Tony

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.