Carnapper todas sa shootout

Balita - - Pangunahing pahina - Fer Taboy

Napatay ng mga awtoridad ang isang hinihinalang carnapper habang nakatakas naman ang kasamahan nito nang makipagbarilan umano ang dalawa sa pulisya sa Biñan City, Laguna, kahapon.

Hindi pa rin nakikilala ng Biñan City Police ang suspek na namatay sa pinangyarihan ng insidente dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa pulisya, ang insidente ay naganap sa Barangay San Antonio, dakong 2:00 ng madaling araw.

Bago ang sagupaan, nag-report sa pulisya ang isang Angelito Desierto na hinarang at tinangay umano ng dalawang lalaki ang kanyang motorsiklo sa nabanggit na lugar.

Nang magsagawa ng follow-up operation ang pulisya, natunton nila ang dalawang suspek ngunit nang tangkaing dakpin ng mga pulis ang mga ito ay nakipagbarilan umano ang isa sa dalawang suspek.

Nang makitang bumulagta na ang kasamahan, kaagad na tumakas ang isa pang suspek.

Narekober umano sa crime scene ang isang baril at limang sachet ng hinihinalang shabu.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.