Bangayan, pinakakasuhan

Balita - - News - Beth Camia

Inirekomenda ng Department of Justice (DoJ) ang pagsasampa ng kaso sa korte laban sa umano’y big-time rice smuggler na si Davidson Bangayan, alyas “David Tan”.

Una nang nakitaan ng DoJ ng probable cause ang reklamo laban kay Tan, na kinasuhan ng sNational Bureau of Investigation (NBI) ng paglabag sa monopolies and combinations in restraint of trade, sa ilalim ng Article 186 ng Revised Penal Code; at bid fixing, na paglabag sa Section 65 ng Government Procurement Act (RA 9184).

Sa 14-pahinang review resolution na pirmado ni Senior Deputy State Prosecutor Miguel Gudio Jr., pinasasampahan ng DoJ si Bangayan dahil sa mga naturang kaso, gayundin sina Elizabeth Faustino, David Lim, Judilyne Lim, Eleanor Rodriguez, at Leah Echevaria.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.