Presong may sakit, palayain

Balita - - News - Leonel M. Abasola

Iginiit ni Senator Leila M. de Lima ang pagpapalaya sa mga bilanggong may malubhang karamdaman upang makakuha ang mga ito nang maayos na gamutan sa labas ng piitan.

Aniya, bukod sa makaluluwag ito sa mga siksikang bilangguan, makatutulong pa ang pamahalaan para mapahaba ang buhay ng mga presyo sa dahilang “humanitarian”.

“The grant of medical parole presupposes that the conditional release of a prisoner will not constitute a threat to the safety of the society,” saad sa Senate Bill No. 2084 (Medical Parole Act) ni de Lima.

Partikular na makikinabang sa panukala ang mga bilanggong “terminallyill or permanently-incapable prisoners”, na hindi naaangkop na manatili sa mga piitan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.