2 tigok sa terror attack sa Melbourne

Balita - - News -

SYDNEY/MELBOURNE (Reuters) – Sinilaban ng isang Somali-born attacker ang isang pick-up truck na may mga gas cylinder, sa gitna kalsada sa Melbourne at nanaksak ng tatlong katao, kung saan isa sa mga ito ang namatay, bago siya nabaril ng awtoridad sa tinawag ng huli na “act of terrorism” nitong Biyernes.

Agad na inako ng Islamic State ang pag-atake, nang walang ibinigay na ebidensiya.

Kasagsagan ng rush hour nang biglang sumiklab ang apoy sa isang utility truck na may mga gas cylinder, na sinundan ng pananaksak ng driver nito sa mga naglalakad sa abalang Bourke Street.

Namatay din sa ospital ang 31anyos na attacker, matapos barilin ng mga rumespondeng pulis, at nadiskubre kalaunan na nagplano rin itong magpasabog sa lugar.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.