50 patay sa banggaan ng bus

Balita - - News -

HARARE, Zimbabwe (AP) — Hindi na magkasya sa morgue ang bangkay ng 50 nasawi sa salpukan ng dalawang bus sa Zimbabwe, at nasa 80 iba pa ang nasugatan.

Balak umanong mag-overtake ng isa sa dalawang bus ang nasa unahan nitong truck sa delikadong kalsada, may 170 kilometro ang layo sa kabisera ng bansa.

Kapwa mabilis umano ang takbo ng dalawang bus na nagawa pang lumihis ng direksiyon ng isa ngunit nagkabanggaan pa rin, ayon sa pulisya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.