Panggising na hugot lines sa ‘Through Night & Day’

Balita - - Showbiz - Remy Umerez

ILAN lang ang babaeng direktor sa showbiz na aktibo at pumapatok sa takilya, kabilang sa kanila sina Olivia Lamazan, Joyce Bernal, at Cathy Molina-Garcia.

Si Veronica “Ronnie” Velasco ang direktor

ng Through Night and Day. Si Maricel Soriano ang bida sa unang movie directorial assignment ni Direk Ronnie, na nakagawa na rin ng ilang pelikula sa Star Cinema. Pero ang paggawa ng commercial ads for TV ang bread and butter niya.

Kani-kanyang istilo ang mga babaeng direktor, at makikita ang sariling style ni Direk Ronnie sa Through Night and Day, a two-character film na pinagbibidahan nina Alessandra de Rossi at Paolo Contis.

“Sa ganitong uri ng pelikula ay may tendency na mainip ang moviegoers at ayokong mangyari ito. Nakasalalay ang buhay ng istorya sa pagbabatuhan ng malulutong na linya na lalong kilala ngayon as hugot lines. Ito ang aking panggising,”sabi ni Direk Ronnie.

“Nag-internalize nang husto sina Alessandra at Paolo sa kanilang mga roles. Lumutang din ang screen chemistry ng dalawa.

“I want to produce a hit movie which is the only way para magtagal ka sa industriya, and I am keeping my fingers crossed na nagawa ko ito sa Through Night and Day,” dagdag ni Direk Ronnie.

Alessandra

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.