Balita

Pumatay, nang-hostage, niratrat

- Ni MARY ANN SANTIAGO

Patay ang isang lalaki, na umano’y nanaksak ng isang lalaking nasa loob ng palikuran saka nang-hostage ng isang truck driver at pahinante nito, makaraang makipagbar­ilan sa mga pulis na aaresto sa kanya sa Rodriguez, Rizal, nitong Sabado.

Kaagad na nasawi si Alejo Carpio, nasa hustong gulang, bunsod ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Si Carpio ang itinuturon­g suspek sa pananaksak at pagpatay kay Fernando Caugiran, at nanghostag­e rin umano kina Victor Mahinay, truck driver; at Narciso Eduarte Jr., pahinante.

Batay sa ulat ng Rodriguez Municipal Police, dakong 2:30 ng hapon ay nasa loob ng palikuran, na tela lang ang nagsisilbi­ng pintuan, si Caugiran nang pasukin ito ni Carpio at saksakin sa kilikili sa Barangay San Jose, Rodriguez.

Nang matiyak na patay na si Caugiran ay tumakas ang suspek, at armado ng .38 caliber revolver ay pinara ang six-wheeler truck na sinasakyan nina Mahinay at Eduarte, at sumakay doon.

Nakita ng isang concerned citizen ang pangyayari at inireport ito kina PO3 Romel Ramos at PO1 Michael John Arenas, kapwa nakatalaga sa Provincial Drug Enforcemen­t Unit (PDEU) ng Rizal Police Provincial Office (RPPO), at residente sa naturang lugar.

Ini-report naman ng dalawang pulis ang insidente sa Rodriguez Police para makapaglun­sad ng follow-up operation.

Hinabol ng mga pulis ang truck na sinakyan ng suspek, at nang abutan ay nakitang hinohostag­e at tinututuka­n umano ni Carpio ng baril sina Mahinay at Eduarte.

Nang makita ng suspek ang mga pulis ay kaagad niya itong pinaputuka­n ng baril, at kaagad na gumanti ng putok ang mga pulis hanggang sa napatay si Carpio.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines