Balita

Digong, nagtitiis ng kirot ‘24 hours a day’

- Ni Argyll Cyrus B. Geducos

Nakararana­s pa rin ng pananakit si Pangulong Duterte, malapit sa tainga dahil sa bali sa kanyang gulugod na natamo niya nang maaksident­e siya sa motorsiklo noong siya ay 68-anyos.

Ito, aniya, ang dahilan kaya madalas siyang nakikitang minamasahe ang kanyang tainga dahil na rin sa kirot na nararanasa­n niya sa araw-araw.

“I’m suffering from pain 24 hours a day. And probably you see me always massaging the left nerve of my lower ear. It’s because I’m suffering almost every day non-stop. In a scale of—pain scale of one to 10, maybe something like two, three,” paliwanag ng Pangulo.

Kuwento niya, ayaw ng kanyang pamilya na magpaopera siya dahil sa posibleng masamang epekto nito sa kanya.

“Kaya na-issue ‘yan. Kasi noong una hindi ko talaga kaya. Hindi ko— ‘yung iba nagpapaano. Ang problema ayaw ng pamilya ko magpaopera. Basta ‘yung spinal,” sabi niya.

“Kasi ‘yung OFW na asawa ko na nurse, ‘yung pangalawa, Eh ayaw niya eh, ‘yung—she’s an OFW, a nurse. Sabi niya na huwag, huwag na huwag. Maybe she has seen so many operations gone awry,” sabi ni, tinutukoy ang common-law wife nito na si Honeylet Avanceña.

“Sabi niya, kung kaya mo. Kay ‘yung Fentanyl. Pain killer ‘yan. Pero sabi ng doktor, ang isang ganun, one piece i-cut ko nang apat. One at a time, two days. Parang adhesive,” patuloy niya.

Nang tumagal aniya ay sinabihan siya ng kanyang doctor na itigil na ang paggamit nito.

“Sabi niya, ‘Kailangan either you stop it, hindi na rin ‘yan ang remedyo kung gusto mo operahan,” paliwanag pa nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines