Balita

Kelot tinigok habang tulog

- Erma R. Edera

Isang hindi kilalang lalaki ang binaril at napatay habang natutulog sa kanyang apartment sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling araw.

Inilarawan ng pulisya ang lalaki na nasa edad 40-45, may taas na 5’3’’, nakasuot ng puting T-shirt at itim na short pants, at may tattoo na LM sa dibdib.

Kaagad siyang nasawi dahil sa tama ng bala sa ulo at sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa paunang imbestigas­yon, nakarinig ang mga residente sa apartment ng sunud-sunod na putok ng baril mula sa loob ng apartment ng biktima sa Temporary Housing sa Aroma Street, Tondo, dakong 2:35 ng umaga kahapon.

Makalipas ang ilang minuto, ini-report ng mga residente ang insidente sa Smokey Mountain Police Community Precinct, na kaagad na rumesponde kasama ang mga tauhan ng Manila Police District-Scene of the Crime Operations (MPD-SOCO).

Dinala ang bangkay ng biktima sa Funeraria Cruz para sa awtopsiya.

Ayon kay Lilian Lamusao, 49, building coordinato­r, tatlong araw pa lang inuupahan ng biktima ang lugar, at pumupunta lang doon tuwing gabi.

Narekober sa crime scene ang apat na cartridge ng .9mm caliber at isang fired cartridge case ng .45 caliber pistol, at drug parapherna­lia.

Nag-iimbestiga na ang pulisya upang alamin ang pagkakakil­anlan ng biktima, at ang motibo sa pamamaslan­g dito.

 ?? MANNY LLANES ?? MISTERYOSO Binitbit ng mga tauhan ng punerarya ang wala nang buhay na hindi kilalang lalaki, na pinagbabar­il habang natutulog sa Building 15, Aroma St., Road 10, sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling araw.
MANNY LLANES MISTERYOSO Binitbit ng mga tauhan ng punerarya ang wala nang buhay na hindi kilalang lalaki, na pinagbabar­il habang natutulog sa Building 15, Aroma St., Road 10, sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling araw.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines